City of Mandaluyong

News Updates



News Details  
PAGPULONG SA MGA MALL ADMINISTRATION REPRESENTATIVES UKOL SA PAGHAHANDA SA DARATING NA PAGBUBUKAS NG MGA MALLS Monday, May 11, 2020

Nakipagpulong ang ating mayora Menchie Abalos sa mall administration representatives para pag-usapan ang mga paghahanda sa pagbubukas ng mga mall kapag binaba na ang ECQ sa GCQ sa Metro Manila.

Inabisuhan sila ng ating mayora Menchie na sundin ang workplace safety and health guidelines alinsunod sa pinalabas ng DTI at DOLE, kasama dito ang masusing pag-screen sa mga papasok sa kanilang establisyemento, mandatory wearing of mask at physical distancing at iba pang measures kontra sa pagkalat ng COVID-19.

Hinikayat din sila na siguraduhing nasa maayos na kalusugan ang mga empleyado ng mall at magkaroon ng regular check-up sa health condition ng mga ito.

Hinihikayat rin ang lahat na manatili pa rin sa kani-kanilang mga bahay lalo na ngayong panahon na nakataas pa din ang ECQ sa buong Metro Manila.


Updates
 

Get To Know Our
 

Contact Numbers
Main Trunkline
8532-5001

Police
8532-2145

Fire
8532-2189 / 8532-2402

Hospital
8532-0480

Disaster/Rescue
8533-2225

Contact Numbers
COVID-19 HotLines
0916-255-8130 / 0961-571-6959

City Health Office
8534-0163





Home   Site Map   Links   Data Privacy Back to top Web Development : Rey Nuñez

© 2020 City of Mandaluyong All rights reserved.

If you have any question, comment or suggestion
about this site, please send us a note