





Matagumpay na isinagawa kamakailan ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong ang Mass Blood Donation Program, katuwang ang City Health Department at National Voluntary Blood Services Program. Sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor, nakalikom ang lungsod ng 102 bags ng dugo na makatutulong sa pagliligtas ng buhay ng mga nangangailangan ng agarang blood transfusion.
Bilang pagkilala sa mahalagang ambag ng mga katuwang sa programa, personal na nagbigay ng pasasalamat sina Mayor Menchie Abalos at Vice Mayor Anthony Suva sa mga organisasyong nakiisa sa blood donation drive, kabilang ang Local People’s Council, Civil Society Organizations (CSOs), at Mandaluyong Triskelion Coordinating Council. Patuloy na hinihikayat ng Pamahalaang Lungsod ang bawat MandaleÃąo na makiisa sa mga gawaing nagtataguyod ng malasakit, bolunterismo, at pangangalaga sa kapwa.

