

Ibinahagi ni Mayor Menchie Abalos ang 109 empleyado ng city hall na nagsipagtapos sa English Proficiency, Personality Development, at Basic Computer Literacy courses sa Mandaluyong Manpower and Technical-Vocational Center (MMTVTC) kaugnay ng pagdiriwang ng Civil Service Month.
Ang mga nagsipagtapos na mga empleyado ay sumailalim sa dalawang linggong training sa tulong din ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) bilang bahagi ng upskilling program ng pamahalaang lungsod.

