

Itinampok sa lingguhang programa ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna nina Mayor Menchie Abalos at Vice Mayor Anthony Suva, ang 11 Barangay na tumanggap ng parangal sa katatapos na Seal of Good Local Governance for Barangay (SGLGB) 2024.
Narito ang mga pinarangalang barangay:
- Addition Hills
- Barangka Drive
- Barangka Ibaba
- Daang Bakal
- Hagdan Bato Itaas
- Hagdan Bato Libis
- Namayan
- New Zaniga
- Old Zaniga
- Plainview
- Wack-Wack Greenhills East
Ang parangal na ito ay patunay ng mahusay, tapat, at responsableng pamamahala ng mga Punong Barangay, kagawad, at kawani ng barangayâkasama ang aktibong pakikiisa ng mga mamamayan sa kanilang komunidad.

