Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

14 NA PULIS NA SUSI SA KAMPANYA LABAN SA ILIGAL NA DROGA, PINARANGALAN NG MANDALUYONG LGU

Pinangunahan nina Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos, Vice Mayor Anthony Suva, Mandaluyong City Police Chief PCOL Reynan Patam, at Mandaluyong Anti-Drug Abuse Office (MADAO) Executive Director Tracy Domingo, ang pagkilala sa 14 na pulis ng lungsod na may mahusay na pagganap sa tungkulin laban sa ipinagbabawal na gamot.

Ang mga pinarangalan na pulis ay naging instrumento sa pagkakahuli ng may 96 drug offenders sa lungsod at pagkakakumpiska ng mga ipinagbabawal na gamot na may halagang mahigit sa isang milyong piso.

Ang pagkilala sa mga pulis ay kaugnay ng pagdiriwang ng pamahalaang lungsod sa Drug Abuse Prevention and Control Week 2025 ngayong Nobyembre.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *