

Taas noong ipinagkaloob ni Girl Scouts of the Philippines (GSP)-Mandaluyong City Council President Mayor Menchie Abalos, katuwang si Vice Mayor Anthony Suva at Dating Council President Councilor Charisse Abalaos-Vargas, ang pagkilala sa 18 Girl Scouts na ginawaran ng Chief Girl Scouts Medal Scheme bilang bahagi ng selebrasyon ng GSP Week sa Mandaluyong.
Ang parangal na ito ay itinuturing na pinakamataas na pagkilala sa mga Girl Scouts na nagpakita ng husay, galing, at dedikasyon sa pagtupad sa kanilang sinumpaang tungkulin, at nagsisilbing inspirasyon para sa lahat.

