

Lagpas sa isang libong Mandaleñong job hunters ang inaasahan upang maging bahagi ng 2026 Local and Overseas Job Fair ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, na pinangunahan ng City Public Employment Service Department, sa pakikipagtulungan ng Department of Migrant Workers (DMW) at Department of Labor and Employment (DOLE) na ginanap sa Atrium, Executive Building ngayong Hulyo 16, 2026.
Mahigit 27 lokal at overseas na kumpanya ang nag-alok ng iba’t ibang oportunidad sa trabaho para sa mga naghahanap ng hanapbuhay. Nakiisa rin ang mga ahensya ng pamahalaan tulad ng Bureau of Internal Revenue (BIR), Philippine Statistics Authority (PSA), at Social Security System (SSS) upang magbigay ng mahahalagang serbisyo at tumulong sa pagproseso ng mga kinakailangang dokumento ng mga aplikante.
Para sa pagsisikap ng manggagawang Mandaleño!

