

Bilang pakikiisa ng Lungsod ng Mandaluyong sa pagdiriwang ng Drug Abuse Prevention and Control Week 2025, pinamunuan nina Mayor Menchie Abalos at Vice Mayor Anthony Suva ang pagkilala sa limang (5) indibidwal na sumailalim at nagtapos sa Community Based Drug Rehabilitation Program (CBDRP) ng lungsod. Katuwang sa nasabing programa ang Philippine National Police – Mandaluyong na pinamumunuan ni Chief of Police PCOL Reynan Villarente Patam.
Ang mga indibidwal na sumasailalim sa CBDRP ay nabibigyan ng pagkakataon na lubusang talikuran ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot at magbagong-buhay.

