Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

ABOT-KAYANG PABAHAY PARA SA PAMILYANG MANDALEÑO

Pinangunahan nina Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos at Vice Mayor Anthony Suva, kasama sina Highway Hills Barangay Captain G Abalos, mga Konsehal, katuwang ang Mandaluyong Housing and Development at Barangay Affairs and Community Services Department, ang inaugural blessing ng Socialized Housing Project ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong sa Geapson Compound ngayong Pebrero 4, 2026, kaugnay ng pagdiriwang ng ika-81 Liberation Day at ika-32 Cityhood Anniversary ng lungsod.

Ang makasaysayang proyektong ito ng Mandaluyong ay sumasalamin sa patuloy na pagsisikap ng pamahalaang lungsod na maghatid ng abot-kaya, ligtas, at disenteng pabahay para sa mga Mandaleño—bilang pundasyon ng mas matatag na komunidad at mas maunlad na kinabukasan para sa bawat pamilya.

#81LiberationDay
#32CityhoodAnniversary
#MandaleñoDisiplinado
#GawaHindiSalita

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *