

Tampok sa lingguhang programa ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna nina Mayor Menchie Abalos at Vice Mayor Anthony Suva, katuwang ang pamunuan ng Jose Rizal University (JRU) sa pamumuno ni President Dr. Vicente Katigbak Fabella, ang pagkilala sa mga natatanging alumni in public service, mga guro, non-teaching personnel, at mga estudyante ng unibersidad.
Pinarangalan ang mga ito dahil sa kanilang kahusayan at mga tagumpay sa ibaât ibang laranganâmga tagumpay na hindi lamang nagbigay-karangalan sa JRU kundi nagsisilbing inspirasyon din sa Pamahalaang Lungsod at sa lahat ng MandaleÃąo.

