

Muling nagpamalas ng lakas at husay ang mga Atletang Mandaleño matapos humakot ng mga medalya mula sa iba’t ibang larangan ng palakasan. Tampok ang kanilang mga tagumpay sa lingguhang programa ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna nina Mayor Menchie Abalos, Vice Mayor Anthony Suva, at Mandaluyong Sports Development Office Head Noel Bernardo.
Kabilang sa mga nagwagi ang sumusunod:
ROBERTO “MEMORY MAN” RACASA
• Top 9 Overall
• 5 Silver
• 2 Bronze
World Memory Championship 2025
KYRIE IRVIN VIRAY & BRENDAN TALACAY
• Grand Slam Champion
13th Asia Pacific Basketball Youth Tournament
Mandaluyong Delegates – Batang Pinoy Finals 2025
• 13 Gold
• 18 Silver
• 26 Bronze
Ang mga karangalang ito ay patunay ng tibay, galing, at determinasyon ng bawat atletang Mandaleño. Sumasalamin din ito sa mahusay at epektibong suporta ng kanilang mga coach, guro, paaralan, at ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong.

