

Buong pagmamalaking kinilala ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna nina Mayor Menchie Abalos at Vice Mayor Anthony Suva, ang mga atletang Mandaleño na nag-uwi ng karangalan sa iba’t ibang kategorya ng palakasan.
Ang mga kinilalang atleta ay magsisilbi ring opisyal na delegado ng Lungsod ng Mandaluyong sa nalalapit na Batang Pinoy Gensan 2025 ngayong Oktubre.

