

Nakiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna nina Mayor Menchie Abalos at Vice Mayor Anthony Suva, katuwang ang Autism Society Philippines, sa paggunita ng Autism Consciousness Week 2026 sa lingguhang programa na ginanap sa Eulogio Rodriguez Integrated School (ERIS).
Ibinahagi ni Mark Alain Pampolina, 28, isang self-advocate na may Autism Spectrum, ang kaniyang karanasan sa paglaki na may autismâmula sa mga hamong kaniyang hinarap hanggang sa mga pagsubok na matagumpay niyang nalampasan. Sa kasalukuyan, siya ay nagsisilbing inspirasyon at pag-asa sa iba pang indibidwal na dumaranas ng kaparehong sitwasyon.

