

Sa pangunguna nina Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos at Vice Mayor Anthony Suva, ipinakilala sa lingguhang programa ng Pamahalaang Lungsod ngayong Oktubre 19, 2026, ang bagong Hepe ng Mandaluyong City Police Station na si PCOL Rey G. Ochavo, na nagpahayag ng kanyang paninindigang higit pang paigtingin ang kapayapaan, kaayusan, at seguridad sa lungsod sa pamamagitan ng pagpapalakas ng police visibility, mas mabilis na pagtugon sa mga insidente, at mas matibay na ugnayan ng pulisya at komunidad.
Nauna nang isinagawa noong Oktubre 17, 2026, sa AtriumâExecutive Building ang opisyal na Change of Command at Turn-Over Ceremony ng Mandaluyong City Police Station, sa pangunguna ni PBGEN Roman C. Arugay, District Director ng Eastern Police District, kasama sina outgoing Chief of Police PCOL Reynan V. Patam at incoming Chief of Police PCOL Rey G. Ochavo, bilang hudyat ng pagpapatuloy ng tapat at mahusay na serbisyo ng kapulisan para sa kaligtasan ng bawat MandaleÃąo.

