

Binigyan ng mainit na pagsalubong ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna ni Mayor Menchie Abalos, ang bagong talagang pinuno ng Mandaluyong City Jail Male Dormitory na si Chief Inspector David Jambalos.
Isang pasasalamat ang ibinigay ni Jambalos kay Mayor Menchie at sa buong pamahalaang lungsod. Kaniya rin inanyayahan ang publiko na makiisa sa pagdiriwang ng National Correctional Consciousness Week tuwing huling linggo ng Oktubre.

