

Idinaan sa indak, sayaw, at musika ng mga Senior Citizen mula sa Barangay Addition Hills ang pagdiriwang ng kaarawan ni Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos sa isinagawang “Gabi ng Senior Citizens ng Barangay Addition Hills” noong Hulyo 8, 2026 sa Mandaluyong College of Science and Technology (MCST) Gymnasium.
Pinangunahan ni Barangay Captain Carlito Cernal kasama ang mga opisyal at miyembro ng barangay ang masiglang ballroom dancing, na nagbigay ng saya at aliw sa mga dumalo.

