

Ipinagmalaki ni Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos ang tagumpay ng Barangay Daang Bakal sa pagkakasungkit nito ng 2025 Galing Pook Award dahil sa ipinatutupad nitong mga programang community pantry at rooftop garden.
Kinilala din ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang dalawang programa sa Barangay Daang Bakal bilang makabago at epektibong programa. Ang community bakery ay naging produkto ng programang âLibreng Tinapay, Kapalit ng Plastik na Boteâ noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic, habang ang Barangay Rooftop Garden ay gumagamit ng hydroponics sa pagtatanim ng lettuce at bok choy.
Ipinagmalaki din ng pamahalaang lungsod ang pagkakapili sa Barangay Namayan bilang isa sa mga finalist sa 2025 Galing Pook Awards dahil sa inilunsad nitong 1Namayan mobile app.
Kasama rin inihayag ang pagkamit ni Barangay Highway Hills Captain G Abalos ng Lingkod Bayan Award – Natatanging Kapitan na Naglilingkod sa Tao at sa Bayan mula sa Gawad Filipino Awards 2025.

