

Kasabay ng paggunita ng Nutrition Month ngayong Hulyo, pinangunahan ni Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos ang panunumpa ng mga bagong opisyal sa hanay ng Barangay Nutrition Scholar (BNS) mula sa lahat ng barangay ng lungsod, bilang pagpapatibay sa patuloy na pagsusulong ng mga programang pangkalusugan at pangnutrisyon sa komunidad.
Nagpatotoo sa panunumpa sina Vice Mayor Anthony Suva at Assistant City Health Officer/City Nutrition Action Officer Dr. Emily Detaro, bilang suporta sa mahalagang tungkulin ng mga BNS sa pangangalaga sa kalusugan, wastong nutrisyon, at kapakanan ng bawat pamilyang MandaleÃąo.

