Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

BARANGAY PLAINVIEW LUPONG TAGAPAMAYAPA, TUMANGGAP NG KARAGDAGANG INSENTIBO

Bilang pagkilala sa katangi-tanging pagganap ng Lupong Tagapamayapa ng Barangay Plainview, ginawad ng Department of the Interior and Local Government (DILG), sa pangunguna ni DILG Regional Director Maria Lourdes Agustin, katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong sa pangunguna ni Mayor Menchie Abalos at DILG Mandaluyong OIC-City Director Kathleen Sibal-Tungcul, ang karagdagang cash incentive na magagamit upang patuloy na mapalakas ang kanilang mga programa—lalo na sa pagsusulong ng mabilis, makatarungan, at epektibong katarungang pambarangay.

Sila rin ang kakatawan sa Lungsod ng Mandaluyong sa Regional ngayong taon, dala ang husay at dedikasyon ng mga MandaleÃąo sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *