

Malugod na inihayag ni Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos na itinanghal ang Barangay Plainview bilang pinakamahusay na Lupon Tagapamayapa sa buong bansa sa katatapos lang na 2025 Lupon Tagapamayapa Incentives Award (LTIA). Maituturing na isang milestone award ito dahil may 25 taon na ang nakaraan nang huling nasungkit ng NCR ang prestihiyosong parangal.
Ayon kay Mayor Abalos, ang pagkakahirang ng Barangay Plainview bilang national winner at Most Outstanding Lupon Tagapamayapa for the Highly Urbanized Cities Category ay isang karangalan dahil kumatawan ito sa buong National Capital Region (NCR).
Sinabi pa ni Mayor Abalos na maituturing na ehemplo ang Barangay Plainview, na pinamumunuan ni Kapitan Nerissa Garcia, pagdating sa pagpapanatili ng kaayusan sa barangay level.

