Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

BARANGAY PLAINVIEW NG MANDALUYONG, REGIONAL NOMINEE PARA SA 2026 LUPONG TAGAPAMAYAPA INCENTIVE AWARD

Ipinagmamalaking kinilala ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna nina Mayor Menchie Abalos at Vice Mayor Anthony Suva, sina Punong Barangay Nerissa Garcia, mga opisyal, at buong hanay ng Barangay Plainview Lupong Tagapamayapa matapos mapili bilang nominee na kakatawan sa National Capital Region (NCR) para sa 2026 Lupong Tagapamayapa Incentive Award (LTIA) – Highly Urbanized City Category.

Isasagawa ang National Onsite Validation sa Agosto 18, 2026, kung saan susuriin ang mga programa, inisyatiba, at pinakamahusay na gawi ng Lupong Tagapamayapa ng Barangay Plainview sa pagpapanatili ng mahusay na mekanismo ng katarungang pambarangay at mapayapang paglutas ng mga alitan sa komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *