

Kaugnay ng pagdiriwang ng 52nd Nutrition Month, tiniyak ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, katuwang ang UNILAB Incorporated, ang patuloy na pangangalaga sa kalusugan ng mga kawani ng City Hall sa pamamagitan ng Bayanihan sa Kalusugan (Medical Mission for City Hall Employees) ngayong Huwebes, Hulyo 2, 2026.
Kabilang sa mga serbisyong inilaan ang PhilHealth YAKAP registration, medical consultation, blood testing, at bone testing bilang bahagi ng adhikain ng lungsod na mapanatiling malusog ang mga lingkod-bayan upang lalo pang mapaglingkuran ang bawat MandaleÃąo nang may dedikasyon, malasakit, at dekalidad na serbisyo.

