

Opisyal na tinanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna ni Mayor Menchie Abalos, ang 6 na bagong units ng E-Jeepney Love Bus mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Department of Transportation (DOTr), at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa isinagawang Blessing at Turn-over Ceremony kahapon sa City Hall Grounds.
Nakiisa sa seremonya sina DOTr Assistant Secretary Dioscoro Reyes, LTFRB Chairperson Atty. Vigor Mendoza II, MMDA Undersecretary at General Manager Nicolas Torre III, MMDA Undersecretary Frisco San Juan Jr., at Congresswoman Queenie Gonzales bilang pagpapakita ng kanilang suporta sa patuloy na pagsusulong ng makabago at makakalikasang pampublikong transportasyon.
Kasabay nito, tinanggap din ng Pamahalaang Lungsod ang 2 service vehicles mula sa Seal of Good Local Governance Incentive Fund (SGLGIF) ng Department of the Interior and Local Government (DILG), na ilalaan sa Mandaluyong Council for the Protection of Children upang higit pang mapalakas ang paghahatid ng mga programa at serbisyong nagtataguyod sa kapakanan at proteksyon ng mga bata.
Sa pamamagitan ng mga bagong E-Jeepney Love Bus at service vehicles na ito, higit pang mapapabilis, mapapalawak, at mapapahusay ang paghahatid ng ligtas, maaasahan, at dekalidad na serbisyo publiko para sa bawat MandaleÃąo.

