

Buong pusong nagbigay-pugay ang Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna nina Mayor Menchie Abalos at Pantawid Pamilya Area Coordinator Raquel Avecilla, katuwang ang City Social Welfare and Development Department (CSWD), sa pamilya ni Melba Buenaobra mula sa Addition Hills.
Ang kwento ng tagumpay ng Buenaobra Family ang napiling kumatawan sa lungsod sa Regional Finals ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)âpatunay ng kanilang sipag, tiyaga, at determinasyon sa pag-angat ng kanilang pamumuhay.

