Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

BUONG 27 BARANGAY NG MANDALUYONG, TINAGURIANG HIGHLY FUNCTIONAL BADACs

Tumanggap ng pagkilala ang lahat na 27 barangay ng Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna nina Mayor Menchie Abalos, Vice Mayor Anthony Suva, mga punong barangay, at ang Mandaluyong Anti-Drug Abuse Council (MADAC), matapos ideklarang Highly Functional BADACs batay sa 2024 BADAC Performance Audit na magkatuwang na isinagawa ng Department of the Interior and Local Government, Philippine National Police, Philippine Drug Enforcement Agency, Dangerous Drugs Board, at accredited Civil Society Organizations. Ito ay kasabay ng paggunita sa Drug Abuse Prevention and Control Week 2025 ngayong Nobyembre.

Ayon kay MADAO Executive Director Tracy Rhoy Domingo, ang resulta ay patunay sa matibay na paninindigan at masigasig na pagpapatupad ng Pamahalaang Lungsod at mga Barangay sa mga batas at programang laban sa ipinagbabawal na gamot, bilang bahagi ng kanilang layuning mapanatili ang isang ligtas, disiplinado, at maunlad na Mandaluyong.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *