

Itinampok sa lingguhang programa ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna nina Mayor Menchie Abalos, Vice Mayor Anthony Suva, at Day Care Service Program Division Head Merlinda Ibusag, ang pagkilala sa public day care centers sa lungsod na tumanggap ng Conferment of Recognition mula sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Council para sa kanilang patuloy na pagkamit ng pamantayan at katangi-tanging ambag sa dekalidad na maagang edukasyon at pangangalaga sa mga batang MandaleÃąo.
Bukod dito, tumanggap din mula sa punong lungsod ng Certificate to Operate ang tatlong private day care centers matapos matugunan ang mga itinakdang pamantayan. Ang pagkilalang ito ay patunay ng dedikasyon ng mga guro at patuloy na suportahan at mapagbuti ng lungsod sa maagang edukasyon ng kabataang MandaleÃąo.

