

Naghatid ng pasasalamat si Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos sa Ciara Marie Abalos Foundation sa donasyon nitong mga construction materials para sa mga residente ng Block 27 at Block 28, Barangay Addition Hills na naapektuhan ng malaking sunog kamailan.
Kasama ni Mayor Menchie na namahagi ng construction materials sa nasabing lugar si Ciara Marie Abalos Foundation president Councilor Charisse Abalos-Vargas.

