Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

DAANG BAKAL AT ADDITION HILLS, TUNGO SA LUNTIANG KAPALIGIRAN

Itinampok sa lingguhang programa ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong ang mga best practices at inisyatiba ng Barangay Daang Bakal at Addition Hills na patuloy na nagsusulong ng kalinisan at kaayusan sa kapaligiran, kaugnay ng pagdiriwang ng Earth Day.

Ibinida ni Barangay Captain Richard Bassig ng Daang Bakal ang kanilang Barangay Rooftop Garden—isang uri ng urban gardening kung saan ang lettuce ay itinatanim gamit ang recycled plastic bottles bilang paso, na nagdala sa kanila ng pagkilala bilang isa sa mga nagwagi sa Galing Pook Awards 2025.

Samantala, kinilala rin ang programang “Basura Palit Bigas” ng Addition Hills sa pamumuno ni Punong Barangay Carlito Cernal, kung saan ang 150 piraso ng plastic sachets o wrappers at 50 Polyethylene Terephthalate (PET) bottles ay katumbas ng tig-isang kilo ng bigas.

Patunay ito sa patuloy na pagkakaisa ng mga barangay at ng pamahalaang lungsod sa pagsusulong ng mga makakalikasang solusyon, na hindi lamang nagtataguyod ng kalinisan kundi nagbibigay din ng benepisyo sa komunidad—isang hakbang tungo sa mas luntiang kinabukasan ng bawat Mandaleño.

#EarthDay2026#BarangayRooftopGarden#BasuraPalitBigas#MandaleñoDisiplinado#GawaHindiSalita

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *