Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

DILG, PINARANGALAN ANG MANDALUYONG SA PATULOY NA PAGHAHATID NG MATAAS NA ANTAS NG SERBISYO PUBLIKO PARA SA MGA MANDALEÑO

Kaugnay ng pagdiriwang ng ika-35 Local Government Month ngayong Oktubre, tinanggap nina Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos at Vice Mayor Anthony Suva ang Plaque of Recognition mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG)-Mandaluyong, bilang pagkilala sa patuloy na dedikasyon ng Pamahalaang Lungsod sa paghahatid ng mahusay, tapat, at de-kalidad na serbisyo publiko para sa bawat Mandaleño.

Kasabay nito, itinampok din sa lingguhang programa ang mga natatanging parangal na natanggap ng lungsod mula sa DILG-Mandaluyong Field Office, na sumasalamin sa patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Lungsod na itaguyod ang mabuting pamamahala o Good Local Governance at maghatid ng mga programang tumutugon sa pangangailangan ng bawat Mandaleño.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *