

Tinanggap ni Manduyong City Mayor Menchie Abalos ang donasyon na mga assisted devices at gamot mula kay former Senator Francis Tolentino. Ang mga nasabing donasyon ay ilalaan para sa mga senior citizens ng lungsod.
Ang donasyon ay bilang pagkilala ni Tolentino sa husay at galing ng Pamahalaang Lungsod Mandaluyong pagdating sa pagpapatupad ng mga programang pangkalusugan na nakatuon sa mga senior citizens.

