

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon nitong Hulyo ay naghandog ang ating pamahalaang lungsod ng grocery packs at Pakbet Bouquets sa mga batang bumuti ang katayuan ng nutrisyon matapos maging benepisyaryo ng programang pangnutrisyon ng lungsod.
Patuloy ang pamahalaang lungsod, sa pangunguna nina Mayor Menchie Abalos, Vice Mayor Anthony Suva at Konseho, na magbibigay halaga at itataguyod ang masustansyang pagkain, pagpapalakas ng katawan at pakikiisa sa pangangalaga ng kalikasan.

