Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

GSP-MANDALUYONG, ISINAGAWA ANG OPISYAL NA INVESTITURE AT WORLD PINNING NG MGA BAGONG ASSOCIATE MEMBERS MULA SA PDAD AT BNAO

Isang makabuluhang hakbang tungo sa mas inklusibong pamayanan ang isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong at Girl Scouts of the Philippines (GSP)–Mandaluyong, sa pangunguna nina Council President at Mayor Menchie Abalos, at Assistant Council President at Konsehal Charisse Abalos-Vargas, sa pamamagitan ng opisyal na Investiture at paggawad ng World Pin sa mga bagong associate members mula sa Persons with Disability Affairs Division (PDAD) at Barangay Nutrition Action Officers (BNAO).

Ipinakikita ng inisyatibong ito ang pagpapahalaga ng GSP sa inklusibong pakikilahok at pagkakaisa, kung saan kapwa nabibigyan ng pagkakataon ang mga Persons with Disabilities (PWDs) at Barangay Nutrition Action Officers (BNAOs) na isabuhay ang mga aral at pagpapahalaga ng organisasyon. Sa pamamagitan nito, higit na pinalalakas ang kanilang kakayahan sa pamumuno, paglilingkod sa kapwa, at aktibong pakikibahagi sa pagbuo ng isang mas inklusibo at maunlad na pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *