Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

IKA-13 KONSEHO NG MANDALUYONG, BINIGYANG-PAGKILALA SA COUNCILORS WEEK 2026

Bilang pakikiisa ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong sa paggunita ng Councilors Week 2026 nitong Setyembre 1–7, 2026, binigyang-pagkilala ang Ika-13 Konseho ng Lungsod sa pamamagitan ng pagtatampok sa kalipunan ng mga ordinansang kanilang naipasa, gayundin sa prestihiyosong Legislative Award na natanggap bilang pagkilala sa mahusay at makabuluhang gawaing lehislatibo ng konseho.

Patuloy na nagsisilbing katuwang sa pag-unlad ng Mandaluyong ang Ika-13 Konseho sa pagbuo at pagpapatibay ng mga ordinansang tumutugon sa pangangailangan ng bawat Mandaleño at nagsusulong ng maayos, inklusibo at responsableng pamamahala para sa lungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *