

Katuwang ang Department of Trade and Industry–National Capital Region at Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, Mandaluyong Investment Promotion Office/Negosyo Center, ay matagumpay na isinagawa ang ika-4 na NCR Processed Fruits and Nuts (PFN) Conference na may temang “Innovating the PFN Cluster’s Journey Through Smart and Sustainable Packaging and Logistics Solutions,” ngayong Hulyo 15, 2026 sa Kaban ng Hiyas Function Hall.
Pinagtipon ng kumperensya ang mga kinatawan mula sa pamahalaan, industriya, at mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs) upang talakayin ang mga makabagong solusyon sa packaging at logistics na magpapalakas sa industriya ng processed fruits and nuts at magbubukas ng mas maraming oportunidad para sa paglago ng mga lokal na negosyo.

