Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

IKALAWANG KATARUNGANG PAMBARANGAY, PINAIGTING SA MANDALUYONG

Patuloy na pinalalakas ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, katuwang ang City Barangay Affairs and Community Services Department, ang kakayahan ng mga opisyal at miyembro ng barangay na nagsusulong ng kapayapaan, kaayusan, at katarungan sa komunidad. Isinagawa ang ikalawang seminar tungkol sa Katarungang Pambarangay para sa mga miyembro ng Lupong Tagapamayapa mula sa District II noong Hulyo 9, 2026 sa Ciara’s Events Place.

Layunin ng programa na higit pang mapalawak ang kaalaman at kasanayan ng mga kalahok sa mga proseso, tungkulin, at responsibilidad ng Lupong Tagapamayapa upang maging mas epektibo ang pagresolba ng mga alitan at mapanatili ang maayos na ugnayan at pagkakaisa sa kanilang mga nasasakupan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *