Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

“I’MPERFECT” CAST, NAKIISA SA NATIONAL DISABILITY RIGHTS WEEK NG MANDALUYONG

Naging perpekto at kumpleto ang paggunita ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong sa National Disability Rights Week ngayong buwan ng Hulyo matapos personal na makiisa ang mga bumida sa pelikulang “I’mPerfect” na sina Earl Amaba at Metro Manila Film Festival (MMFF) 2025 Best Actress Krystel Go, upang ipahayag ang kanilang suporta at pakikiisa sa pagsusulong ng karapatan, pagkilala, at inklusibong oportunidad para sa mga Persons with Disability (PWD).

Sa kanilang pagdalo, binigyang-diin ng mga aktor ang kahalagahan ng pagtanggap, pagbibigay respeto, at paglikha ng mas pantay na espasyo para sa sektor ng PWD, kasabay ng patuloy na kampanya ng Mandaluyong para sa isang lungsod na kumikilala sa kakayahan at ambag ng bawat mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *