

Buong-pusong kinilala ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna nina Mayor Menchie Abalos, Vice Mayor Anthony Suva, at Schools Division Office (SDO)-Mandaluyong Superintendent Dr. Romela Cruz, ang mga kabataang Mandaleño na nag-uwi ng karangalan sa nasyunal at internasyunal na kompetisyon sa larangan ng balagtasan at palakasan.
Kasama sa mga pinarangalan sina:
Diwang Sagisag ng Kulturang Pilipino
Balagtasan National Competition – Champion
⦁ Princess Fheralei Indon – Mambabatas ng Taon
⦁ Naithan Calugay
⦁ Alliah Sofia Garcia
mula sa Mataas na Paaralang Neptali A. Gonzales (MPNAG)
Philippine Men’s National Ice Hockey Team
31st SEA Games 2025 – Bangkok, Thailand
Bronze Medalists
⦁ Jann Gefrey So Tiong – Barangay Addition Hills
⦁ Eishner Jigsmac Sibug – Barangay Hulo
Ang tagumpay ng mga kabataang ito ay sumasalamin sa talino at galing ng kabataang Mandaleño, gayundin sa patuloy na suporta ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong sa pagpapahusay at pagpapalakas ng kakayahan ng bawat kabataang Mandaleño—sa akademya, kultura, at palakasan

