

Itinampok sa lingguhang programa ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna nina Mayor Menchie Abalos, Vice Mayor Anthony Suva, at dating Council President Charisse Abalos-Vargas, ang pagkilala sa mga miyembro ng Girl Scouts of the Philippines (GSP)–Mandaluyong City Council na tumanggap ng mga sertipiko ng pagkilala mula sa katatapos na Leadership Camp, bilang bahagi ng pagdiriwang ng GSP Week 2025.
Kabilang sa mga karangalang iginawad ay ang:
• Patrol Leaders Camp Certificate
• Camp Craft Certificate
• 3rd Place – Field Station High Power International Friendship Exchange and DX Contest
Kinilala rin ang mga natatanging GSP members na nagbigay-inspirasyon sa kanilang mga kapwa scouts:
• Roberta Deanne Martin (JRU) – Outstanding Girl Scout
• Imelda Marlyn Nachor (NDPES) – Outstanding Trainer
• Leslie Dolfo (ABIS) – Outstanding District Field
• Gilanne Enriquez (ERIS) – Outstanding Troop Leader
Ang mga karangalang ito ay patunay ng matinding dedikasyon at disiplina ng GSP–Mandaluyong City Council, na nagsisilbing huwaran at inspirasyon para sa mga kabataang Mandaleño sa paghubog ng mas maliwanag na kinabukasan.

