Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

KASUNDUAN NG MANDALUYONG AT SABTANG, BATANES BILANG SISTER LGU

Isang makasaysayang kasunduan ang opisyal na pinirmahan ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna nina Mayor Menchie Abalos at Vice Mayor Anthony Suva, kasama ang Munisipalidad ng Sabtang, Lalawigan ng Batanes, sa pamumuno nina Mayor Teresita Neyala at Vice Mayor Clemente Ladreza, bilang bahagi ng Sisterhood Agreement kung saan layunin nitong palakasin ang ugnayan, pagtutulungan, at pagpapalitan ng kaalaman at pinakamahuhusay na programa sa pamamahala.

Kasama ring nagpatunay ang mga Konsehal ng Sangguniang Panlungsod at Sangguniang Bayan sa paglagda na ginanap sa lingguhang programa ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong ngayong araw (Marso 23), bilang patunay ng patuloy na pagsusumikap ng lungsod na makipag-ugnayan sa iba pang lokal na pamahalaan para sa mas inklusibo at progresibong serbisyo publiko.

Ang Sabtang ay ika-68 Sister LGU ng Lungsod ng Mandaluyong, na higit pang nagpapatibay sa layunin ng lungsod na maghatid ng dekalidad at napapanahong serbisyo para sa mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *