

Pinangunahan at lumagda sa Memorandum of Agreement sina Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos at Rizal Technological University (RTU) President Dr. Ma. Eugenia Yangco bilang pagpapalakas ng ugnayan ng Pamahalaang Lungsod at ng unibersidad, na layuning paigtingin ang suporta sa mga kawani ng pamahalaan, sa pamamagitan ng pagtulong sa kanilang paghahanda para sa Civil Service Examination (CSE), bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-125 Anibersaryo ng Civil Service Commission (CSC).
Sa ilalim ng kasunduan, magbibigay ang RTU ng review programs, learning resources, at faculty assistance para sa mga kawani ng Mandaluyong na sasailalim sa pagsusulit, habang ang Pamahalaang Lungsod naman ay maglalaan ng kinakailangang suporta at logistics para maisakatuparan ang programa. Isa itong patunay ng patuloy na adbokasiya ng lokal na pamahalaan sa pagpapalawak ng kaalaman, kakayahan, at oportunidad para sa mga LINGKOD-BAYANI ng Mandaluyong.

