Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

KATARUNGANG PAMBARANGAY SA LUNGSOD NG MANDALUYONG

Bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng kakayahan ng mga barangay sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at katarungan sa komunidad, nagsagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, katuwang ang City Barangay Affairs and Community Services Department, ng seminar hinggil sa Katarungang Pambarangay para sa mga miyembro ng Lupong Tagapamayapa mula sa District 1 noong Hulyo 7, 2026, sa Ciara’s Events Place.

Layunin ng pagsasanay na mapalawak ang kaalaman ng mga kalahok sa mga proseso at tungkulin ng Katarungang Pambarangay upang mas maging epektibo ang pagresolba ng mga alitan at pagpapanatili ng maayos na ugnayan sa kanilang mga nasasakupan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *