Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

KAUNA-UNAHANG GAWAD GALING LOKAL NA BATAS AWARD NG MANDALUYONG

Umani ng parangal ang Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong matapos igawad ang prestihiyosong Gawad Galing Lokal na Batas Silver Award kaugnay sa kategoryang Environmental Protection and Management.

Ang tropeyong, na tinanggap ni Councilor Benjie Abalos, na siya rin National President ng Philippine Councilors League (PCL), ay bilang pagkilala sa City Ordinance No. 948, Series of 2023, o mas kilala bilang Integrated Underground Wiring and Cabling System Plan of Mandaluyong, na naglalayong ilipat sa ilalim ng lupa ang mga kable ng kuryente at telekomunikasyon upang mapahusay ang kaayusan ng lungsod, maiwasan ang panganib dulot ng nakalaylay na mga kawad, at mapalakas ang pangangalaga sa kalikasan.

Patunay ang parangal na ito sa patuloy na pagsusulong ng mga makabago at makakalikasang polisiya para sa mas ligtas, maayos, at progresibong pamumuhay ng bawat MandaleÃąo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *