

HUSAY. GALING. TALINO.
Ipinamalas ito ng sampung (10) Mandaleñong competitors mula sa tatlong technical-vocational courses sa kauna-unahang Inter-Trainee Skills Competition ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna ng Mandaluyong Manpower and Technical-Vocational Training Center (MMTVTC), ngayong unang araw ng Hulyo 2026.
Ang kompetisyon ay isinagawa bilang pagpapaigting ng kakayahan ng mga trainees alinsunod sa pamantayan ng WorldSkills Competition, na kaugnay ng TESDA.Sinubok ang husay ng mga kalahok sa tatlong kategorya: – Food and Beverage Services, kung saan nagpakitang-gilas sila sa tamang dining service para sa mga hurado.- Bread and Pastry Production, na tampok ang on-the-spot cake decorating challenge.- Dressmaking, kung saan lumikha sila ng bridal gown batay sa itinakdang pamantayan ng kompetisyon.
Dinaluhan ang programa nina Mayor Menchie Abalos at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod bilang suporta sa pagpapaunlad ng kasanayan ng mga Mandaleño. Ang mga magwawagi sa bawat kategorya ay tumanggap ng mga premyo at ng inaabangang Mayor’s Cup, bilang pagkilala sa kanilang kahusayan at dedikasyon sa napiling larangan.

