Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

KURSO NG LOCAL GUIDING SERVICES NC II, BUKAS NA SA MMTVTC PARA SA MGA MANDALEÑO

Panibagong oportunidad sa pagsasanay at pagpapaunlad ng kasanayan ang binuksan ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna nina Mayor Menchie Abalos at Vice Mayor Anthony Suva, sa pamamagitan ng City Cultural Affairs and Tourism Department, na nanguna sa pagbuo ng kursong Local Guiding Services NCII, katuwang ang Mandaluyong Manpower and Technical-Vocational Training Center (MMTVTC) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA). Layunin ng kurso na linangin ang kakayahan ng mga Mandaleño sa larangan ng turismo, partikular sa pagpapakilala at pagpapahalaga sa kultura, kasaysayan, at mga pamanang lokal.

Ang nasabing kurso ay libreng iniaalok sa MMTVTC at maaaring kunin kahit walang natapos na kolehiyo, alinsunod sa mga itinakdang kwalipikasyon. Layunin nitong magbigay ng karagdagang kasanayan at oportunidad sa trabaho at kabuhayan para sa mga Mandaleño, kasabay ng pagpapalakas ng lokal na turismo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *