

Pinamunuan nina Mayor Menchie Abalos at Vice Mayor Anthony Suva ang muling pagbahagi ng mga laptops para sa mga guro ng Bonifacio Javier Senior High School kung saan itinanghal ang flag raising ceremony at morning program ngayong araw. Ang mga nasabing laptops ay kabilang sa 2,000 units na ibinahagi ng pamahalaang lungsod sa mga public schools I.C.T. laboratories sa Mandaluyong.
Bukod dito, inanunsiyo rin ni Mayor Menchie na ang mga allowance ng mga public school teachers ay daragdagan simula itong buwan ng January. Nakatakda ring magbigay ang pamahalaang lungsod ng mga uniform para sa mga guro.
Kasamang nakiisa sa flag raising ceremony si Department of Education Undersecretary for Legal and Legislative Affairs Atty. Filemon Ray Javier, kamag-anak ni dating Mayor Bonifacio Javier.

