

Pinangunahan ni Mayor Menchie Abalos ang symbolic turn-over ng uniforms at laptops para sa mga guro at non-teaching personnel sa mga pampublikong paaralaan sa lungsod at malugod na tinanggap ni Mandaluyong Schools Division Superintendent Dr. Margarito Materum at mga kasamahan.
Ilan lang sa local governments sa buong bansa, ang isa dito ang Mandaluyong, na nagbibigay ng uniforms at laptops sa mga guro at non-teaching personnel bilang karagdagang paraan na makatulong sa kanila at mapaunlad pa ang kanilang kakayahan na maibigay ang dekalidad na edukasyon sa lungsod.

