

Ang Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong ay nagsagawa ng libreng skin and bone consultation sa lobby ng Mandaluyong City Hall bilang suporta sa kampanya ng grupong Psoriasis Philippines.
Katuwang din sa nasabing aktibidad ang Philippine Rheumatology Association, Philippine Dermatological Society kung saan nakapagbigay ng libreng medical consultation sa balat at buto sa may 300 indibidwal.

