

Patuloy na nagpapakita ng husay at galing ang mga atletang Mandaleño matapos mag-uwi ng mga medalya at karangalan mula sa iba’t ibang lokal at internasyunal na kompetisyon sa larangan ng palakasan.
Itinampok at personal na kinilala ang kanilang mga tagumpay sa lingguhang programa ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong sa pangunguna nina Mayor Menchie Abalos at Vice Mayor Anthony Suva, bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon at pagdadala ng karangalan sa lungsod.
Kabilang sa mga kinilala sina:
CHESS GRANDMASTER JOEY ANTONIO
• World Senior Blitz Chess Champion – Italy
• Silver Medalist – SEA Games, Thailand
CHESS GRANDMASTER DARWIN LAYLO
• Silver Medalist – SEA Games, Thailand
• 3 Bronze Medals – SEA Games, Thailand
MANDALUYONG KARATEDO TEAM
• 6 Gold Medals
• 6 Silver Medals
• 5 Bronze Medals
JOCELYN FOLLERO
• Bronze Medal – Women’s Wheelchair Basketball, 13th ASEAN Para Games
FRANCIS CHING
• Silver Medal – Team Rapid B1 Men, 13th ASEAN Para Games
• Bronze Medal – Individual Rapid B1 Men, 13th ASEAN Para Games
KHYRSS ANDREA SOLSONA (ILIS)
CHOLO MEDEL (JFMS)
• Silver Medalists – Bocce Mixed Doubles, NCR Para Games
Ipinahayag ng Pamahalaang Lungsod ang patuloy na suporta nito sa mga atletang Mandaleño na nagsisilbing inspirasyon sa komunidad, lalo na sa kabataan, na patuloy na magsikap at magpursige sa larangan ng palakasan habang bitbit ang dangal at pagmamalaki ng lungsod ng Mandaluyong.

