

Pagpupugay at pasasalamat—iyan ang buong-pusong inialay ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna nina Mayor Menchie Abalos at Vice Mayor Anthony Suva, katuwang ang City Human Resource Management Department (CHRMD), sa mga natatanging kawani na umabot na sa 40 taon o higit pa ng tapat na paglilingkod sa lungsod, sa pamamagitan ng paggawad ng Loyalty Service Award.
Kabilang sa mga pinarangalan sina:
-Editha Aguilar – 45 taon
-Josephine Sales – 40 taon
-Jose Allan Manlulu – 40 taon
-Maura Antonio – 40 taon
-Ma. Dixie Angeles – 40 taon
-Ramon Aguilar – 40 taon
Nagsisilbing inspirasyon at huwaran ang mga kawani sa kanilang dedikasyon, katapatan, at malasakit sa paglilingkod-bayan. Ang pagkilala ay bahagi ng pagdiriwang ng Civil Service Month 2026, alinsunod sa Presidential Proclamation No. 1050, s. 1997, bilang pagpapahalaga sa mga kawani na naglaan ng maraming taon sa paghahatid ng mahusay na serbisyo publiko sa mga Mandaleño.

