Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

LUNGSOD NG MANDALUYONG AT BAYAN NG CORCUERA, ROMBLON, GANAP NANG MAGKAPATID-PAMAHALAAN

Sa bisa ng Council Resolution No. 3728, S-2026, opisyal nang pinagtibay ng Lungsod ng Mandaluyong at Bayan ng Corcuera, lalawigan ng Romblon ang kanilang Sisterhood Agreement sa pamamagitan ng paglagda nina Mayor Menchie Abalos at Vice Mayor Anthony Suva, kasama si Mayor Elmer Fruelda at Vice Mayor Aubrey Fondevilla ng Corcuera, lalawigan ng Rombon, sa ginanap na Lingguhang Programa ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong.

Bilang sagisag ng pagkakaibigan at pagkakaisa, nagpalitan ng mga natatanging regalo ang dalawang lokal na pamahalaan na sumisimbolo sa kani-kanilang kultura, pagkakakilanlan, at kasaysayan. Ang kasunduang ito ay magsisilbing daan upang higit pang mapalakas ang ugnayan at pagtutulungan ng Mandaluyong at Corcuera sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga kaalaman, pinakamahusay na programa at best practices, at mga oportunidad tungo sa patuloy na pag-unlad ng kanilang mga pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *